Listahan Ng Totoong Pinoy Inventions
Marahil ay alam mo na o nabasa ang mga pinoy inventions na hindi totoo. Ang fluorescentt lamp, hindi totoo. Pinoy ang gumawa ng armalite, hindi totoo. Hindi ginamit ng mga sinaunang pilipino bilang armas ang yoyo. Pati ang moon rover ay hindi pinoy invention pero nagpasa ang isang pinoy engineer inventor ng design na hindi nga lang pumasa sa NASA. Ngunit marami mang hindi totoong pinoy inventions. Ang listahan ng pinoy inventions sa videong ito ay siguradong totoo.
List of Pinoy Inventions
Transcript:
1. Erythromycin
Noong 1949, sumikat ang isang filipino scientist na si Dr Abelardo Aguilar. Dahil sa pagka diskubre nya ng isang antibiotic na nagmula sa isang strain ng bacteria mula sa kanyang bakuran. Habang tinetest nya ang mga samples ng lupa sa kanyang bakuran ay na isolate nya ang isang bacteria na syang humantong sa pag dedevelop ng erythromycin. Isang broad spectrum antibiotic na ginagamit sa buong mundo ngayon. Maraming infections ang kayang gamutin ng erythromycin. Ilan dito ay respiratory tract infections, acute pelvic inflammatory disease, pertussis, Legionnaire’s disease at syphilis. Ito din ang ginagawang pamalit na antibiotic para sa mga taong may allergy sa penicillin. Isa itong macrolide antibiotic na pumapatay ng bacteria at nag preprevent ng pag dami nito. Sa kasamaang palad ang kumpanyang Eli Lily Co kung saan nagtratrabaho si Dr Aguilar ang nag file ng patent protection at U.S. patent ng hindi binibigyan ng royalties o credit si Dr Aguilar. Ipinaglaban nya ito sa loob ng 40 years. Hindi nagbunga ang kaso na natapos ng syay namatay sa edad na 76. Gayunpaman kinikilala sya sa kanyang contribution sa Science. Kinikilala at pinasasalamatan sa pagligtas nya ng maraming buhay.
2. Karaoke Sing Along System
Ang unang karaoke machine ang Juke 8 ay binuo noong 1971 ng isang japanese inventor at musician na si Daisuke Inoue. Ngunit isang pinoy inventor na si Roberto del Rosario ang may hawak ng patent at sya ang nag develop ng karaoke sing along system noong 1975. Ang sing along sytem ay isang type ng karaoke machine. Gayunpaman mas kinikilala ng karamihan sa mga scholars si Daisuke bilang inventor ng karaoke machine.
3. Bamboo Incubator
Ang medical incubator ay isang appartus o device na ginagamit para ma maintain ang environmental conditions para sa isang bagong panganak na sanggol. Si Dr Fe del mundo ay isang pioneering pediatrician sa Pilipinas. Nag aral sa University of the Philippines at nag training din sa Boston. Noong 1941, para matulungan ang mga rural communities na wala pang kuryente, gumawa si Dr Del Mundo ng bamboo incubator.Pansamantalang incubator na gumamit ng dalawang laundry basket. Nilagyan nya ng mga boteng may mainet na tubig ang mga baskets para ma regulate ang temperature dito, nilagyan ng hood at oxygen.
Aktibo pa din si Dr Fe Del Mundo sa pediatrics hanggang sa edad nobenta. Namatay noong 2011 at ngayoy nakalibing sa libingan ng mga bayani.
4. Two Way Video Telephone
Bago pa man magkaroon ng skype, face time at zoom. Isang pinoy engineer at physicist na si Gregorio Zara ang naka imbento ng unang two way video telephone. Ito ang nagsilbing pundasyon ng lahat ng modernong video telephony. Tubong Batangas si Gregorio at nagkaroon ng scholarship para mag aral ng mechanical engineering sa Masachussets Institute of Technology.
30 patents ang hawang ni Zara para sa ibat ibang devices at equipments. Ilan dito ay induction compass na syang ginagamit ng mga piloto para sa direksyon, solar powered water heater at alcohol fuelled aeroplane engine. Si zara din ang naka discover ng isang electrical kinetic resistance law kilala bilang the Zara effect
5. Microchip
Nagmula si Dado Banatao sa maliit na barrio ng Malabbac ng Iguid cagayan. Nagmula sa payak na buhay na naging cumlaude sa Mapua Institute of Technology hanggang sa naging trainee pilot at alumnus ng Stanford University. Naging co-founder ng tatlong kumpanya ang Mostron, Chips and Technologies at S3 graphics. Sya ang nag imbento ng unang 16 bit microprocessor based calculator. Nakuhang paliitin ni Dado ang 300 components sa 3 dahil sa computer chip na ito. Ang invention nyang pc chipsets at windows graphic accelerator chip ay ginagamit pa din sa mga computers ngayon. Kinikilala syang nagdevelop ng 10 mbit ethernet cmos with silicon coupler data link control and transceiver chip.
gets mo?
Yan ang kauna unahang system logic chipset. Sya din ang kinikilalang nagdevelop ng kaunaunahang windows graphic accelerator chips. Hanggang sa ngayon ay tumutulong at sinusuportahan pa din ni dado ang mga bagong estudyante ng engineering.
Mag subscribe na sa Random Pinas
----------------------------------------------------------------------------
What this Video is About: Pinoy Inventions ( Pinoy Inventors Kaalaman Tagalog )
----------------------------------------------------------------------------



Comments
Post a Comment